Bansang Croatia, nangangailangan ng 2,000 mangagawa

Nangangailangan ngayon ang bansang Croatia sa Europe ng mahigit 2,000 manggagawa para sa mga hotel at restaurant.

 

Nabatid kasi na pinapalakas ng Croatia ang kanilang tourism industry lalo na’t marami ang bumibisita sa nasabing bansa dahil dito isinagawa ang isang sikat na TV series na game of thrones.

 

Nasa 700 euros o halos P50,000 ang posibleng sahurin nang mga waiters, room attendant, massage therapist, gardeners, cook at kitchen helpers.


 

Ayon sa Philippine Association of Service Exporters Inc. o PASEI, nangangailangan din ngayon ng mga trabahador ang mga bansang Hungary, Slovenia, Montenegro at Austria pero kulang daw ang mga labor offices ng Pilipinas sa Europa kaya’t umaasa sila na madagdagan ito.

 

Hiling din ng pasei na bilisan na ang bilateral labor agreement ng Pilipinas sa mga nabanggit na bansa kung saan nagbabala naman sila sa mga illegal recruiter na ginagamit ang ganitong uri ng oportunidad.

Facebook Comments