Bansang India, nababahala na sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

67
Photo Courtesy: NBC NEWS

Ikinabahala ng gobyerno ng India ang patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 kung saan pumapalo na sa 6,074,702 ang tinamaan ng nasabing sakit.

Ito’y matapos makapagtala ng 82,170 na bagong kaso sa loob lamang ng 24-oras.

Bukod dito, nasa 95,574 ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 habang nasa 5,016,520 naman ang nakarekober sa sakit.

Base sa datos ng Indian Council of Medical Researches, umaabot na sa 72 milyong katao ang sumalang sa pagsusuri kung saan isinasailalim pa din nila ang mga nakarekober sa swab test para masigurong negatibo na talaga sila sa virus.

Facebook Comments