Banta sa seguridad ng bansa habang wala si PBBM, pinawi ni VP Sara Duterte

115

Walang nakikitang banta sa seguridad ng bansa si Vice President Sara Duterte-Carpio habang nasa tatlong araw na state visit si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) matapos ang Major Command Conference na ipinatawag ni VP Sara sa Pasig City kahapon.

Ayon sa bise presidente, coordination lang ang ginawa niya sa mga top official’s ng AFP at PNP upang masiguro na ligtas sa anumang banta ng terorismo.


Si VP Duterte ay itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., bilang officer-in-charge ng bansa habang nasa tatlong araw na state visit sa Indonesia at Singapore.

Facebook Comments