Bantang kudeta sa Speakership, posible ayon kay Cong. Paolo Duterte

Ibinunyag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na may bantang magkudeta sa mismong araw ng halalan ng Speakership sa July 22.

Ito ang naging tugon ng kongresista sa tanong kung totoong interesado siya sa chairmanship ng committee on legislative franchises.

Ayon kay Duterte, hindi pa nga tapos ang labanan sa pagka-speaker sa 18th Congress at may bali-balitang may isa sa tatlong aspirante na balak mag-kudeta dito.


Sa isyu naman mg Chairmanship ay sinabi nitong hindi pa dapat pinag-uusapan ang mga komite dahil may eleksyon pa sa July 22 at dito siya mas interesado kung sino ang mananalo.

Ginawa ng nakababatang Duterte ang pahiwatig matapos i-anunsyo ni Pang. Duterte na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang susunod na House Speaker at ka-term sharing nito si Marindique Rep. Lord Allan Velasco habang si Leyte Rep. Martin Romualdez ang magiging Majority Leader.

Facebook Comments