Bantang kulong, nakakadagdag sa pangamba ng mga ayaw magpabakuna

97

Para kay Senator Risa Hontiveros, lalong nakadagdag sa pangamba ng mga ayaw magpabakuna ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay ipapakulong.

Giit ni Hontiveros, ang mas dapat gawin ay sagutin at tugunan ang katanungan at pangangailangan ng mga mga ayaw magpabakuna para sila ay makumbinsi sa kahalagahan ng COVID-19 vaccine para sa sariling kaligtasan.


Paliwanag ni Hontiveros, hindi kailangang takutin ang taumbayan kung may sapat at tuloy-tuloy na supply ng bakunang ligtas, mabisa at angkop sa kanilang kondisyon at may maayos na sistema ng pagpapabakuna.

Diin naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, hindi solusyon sa mga ayaw magpabakuna ang pananakot.

Ikinatwiran pa ni Pangilinan na kung ang lahat ng problema ng bansa ay masosolusyunan ng pag-aresto, pananakot at pagiging siga-siga ay maganda na sana ang buhay ng ordinaryong mamamayan ngayon.

Facebook Comments