BANTAY-BIGAS | SRP sa bigas, ipapatupad sa huling linggo ng Oktubre

91

Manila, Philippines – Ipatutupad na ng gobyerno sa huling linggo ng Oktubre ang paglalagat ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – base ito sa napagkasunduan nila ng mga traders, millers at ilang mga kinatawan ng mga magsasaka sa kanilang pag-uusap noong nakaraang linggo.

Ibi-benta ng P39 kada kilo ang regular milled rice, P42 kada kilo ang well-milled rice at P44 naman ang kada kilo ng long grains rice.

Maglalagay rin daw sila ng mga karatula na magsasabi kung local o imported ang mga bigas na ibinibenta sa mga palengke.

Facebook Comments