BANTAY SEGURIDAD | NCRPO Director Albayalde, nadismaya dahil walang nadatnang pulis sa Victory terminal sa Sampaloc, Manila

146

Manila, Philippines – Dismayado si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ng magsagawa ng biglaang pag-iinspeksyon at madatnan ang itinayong Police Assistance Desk sa terminal ng Victory Liner sa Sampaloc kung saan walang nadatnang police na nagbabantay sa lugar.

Ayon kay Albayalde naka-full alert status ang buong puwersa ng PNP sa Metro Manila pero sa kanyang biglaang pag-inspeksyon kaninang umaga sa terminal ng Victory Liner sa Bustillos Street Sampaloc, Manila ay wala siyang ng naabutang naka-duty na pulis.

Una ng ipinag-utos ni Albayalde sa limang District Director sa Metro Manila na siguraduhing mayroong nagbabantay na mga pulis sa lahat ng mga terminal ng bus at maging sa mga pantalan, paliparan at mga simbahan dahil kaliwa’t kanang aktibidad ng mga mananampalatang katoliko ngayon panahon ng Kwaresma.

Facebook Comments