BANTAY-SEGURIDAD | NCRPO, nakahanda na ngayong Holiday season

Manila, Philippines – Handa na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbigay seguridad ngayong papalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde – mahigit 900 mga pulis ang ipapakalat ng NCRPO sa buong kamaynilaan.

Partikular na tututukan ng mga pulis ang mga mall, palengke, bus stations at malalaking simbahan na tiyak darayuhin sa pagsisimula ng simbang gabi.


Target din ng NCRPO ang zero incident ng robbery at pagnanakaw partikular sa Divisoria, Maynila kung saan talamak ang nakawan tuwing holiday season.

Facebook Comments