Monday, July 20, 2026

Banyagang nagkunwaring nanakawan, arestado sa Quezon City

Arestado ng mga operatiba ng The National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang 34 na taong gulang na foreign national matapos magkunwaring nanakawan ito sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagtungo ang nasabing Italian businessman sa Police Station 8, Quezon City Police District (QCPD) para iulat na nanakawan ito sa kahabaan ng P. Tuazon Boulevard, Barangay Milagrosa, Project 4.

Dahil dito nagsimulang magimbestiga ang mga otoridad kabilang na ang pagkuha sa mga cctv footages sa nasabing lugar kung saan walang nakuhang ebidensya ang mga imbestigador para suportahan ang nasabing reklamo.

Nakita rin na inconsistent ang mga pahayag ng nasabing dayuhan kaugnay ng umano’y insidente.

Dito na inamin ng nasabing dayuhan na gawagawa lamang nya ito.

Sa ngayon, agad na inaresto ang nasabing dayuhan para sa Perjury kung saan tinurn over na rin ito sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) para sa standard custodial procedures.

Facebook Comments