BAR 2018 | Bar Examinees sa ikatlong linggo ng pagsusulit, hindi na nabawasan

Manila, Philippines – Wala nang nabawas na Bar Examinees sa ikatlong linggo ng pagsusulit.

Ayon sa Office of the Bar Confidant, 8,156 examinees ang kumuha ng Mercantile Law at Criminal Law exams noong Linggo.

Ang naturang bilang din ang law graduates na kumuha ng Civil Law at Taxation Law exams noong November 11 o ikalawang linggo ng pagsusulit kung saan nabawasan ng dalawang bar examinees mula sa unang lingo.


Kabuuang 8,158 Bar examinees ang kumuha ng Political Law and International Law , at Labor Law and Social Legislation exams sa unang linggo ng pagsusulit kung saan mahigit limang daan ang hindi sumipot.

Facebook Comments