Inirereklamo ng ilang residente sa Brgy. Pantal East-Sagur, Dagupan City ang baradong drainage na dulot ng umano’y paghuhukay sa lugar. Dahil dito, naipon ng maruming tubig ang daluyan ng tubig ng ilang kabahayan.
Maaari umanong maging banta sa kalusugan ang naiimbak na tubig dahil matagal na itong walang dinadaluyan at pinangangambahang pamugaran ng dengue mosquitoes.
Dahil dito, ininspeksyon ng water service provider at barangay council ang lugar upang malaman ang sitwasyon sa nasabing lugar.
Matapos ang assessment, nagbigay katiyakan ang mga tanggapan na tututukang resolbahin ang isyu sa madaling panahon upang maiwasan ang anumang sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments