BARANGAY AT SK ELECTION | Passport application sa May 14, ipinagpaliban

48

Manila, Philippines – Kasunod nang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng special (non-working) day sa May 14 alinsunod ng Presidential Proclamation No. 479 dahil sa Barangay and Sanggunian Kabataan Elections.

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs- Office of Consular Affairs na sarado ang DFA Satellite and Consular Offices sa araw ng halalan.

Ayon sa DFA ang mga passport applicants na mayroong confirmed appointments sa nabanggit na petsa ay maaaring ma-accomodate kinabukasan May 15 hanggang May 25 maliban sa araw ng Sabado

Pinapayuhan naman ang mga mag-apply at magre-renew ng passport na dalhin ang printout copy ng kanilang confirmed passport appointment sa May14 kasama ang iba pang requirements para sa kanilang passport application.

Facebook Comments