BARANGAY AT SK ELECTIONS | Senior citizens at mga babaeng kandidato, nanguna sa unang araw ng paghahain ng kandidatura para sa election

52

Manila, Philippines – Dagsa pa rin ang naghahain ng Certificate of Candidacy (COC) na nais kumandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa iba’t ibang tanggapan ng Commission on Elections.

Sa interview ng RMN Manila kay COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez, sinabi niyang tuloy-tuloy lang ang pagtanggap nila ng aplikasyon.

Sakali anyang may ma-disqualify ay hindi pa ito makikita sa ngayon hanggat hindi pa natatapos ang filling sa Biyernes (April 20).

Ayon sa COMELEC, mas maraming kandidato ay senior citizens habang nasa kalahati ay kababaihan.

Sa mga gusto pang humabol ng kandidatura, maari namang mag-download ng COC forms sa official COMELEC website na www.comelec.gov.ph.

Facebook Comments