BARANGAY AT SK ELECTIONS | Unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato, naging mapayapa – COMELEC

46

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez – naging maayos ang filing process at walang nangyaring pagka-antala o abala.

Aminado si Jimenez na hindi nila inaasahan ang dami ng mga magpapasa ng kanilang mga COC.

Marami aniya ang nagpasa ng kanilang COC para sa barangay position.

Paalala ni jimenez – magtatagal ng COC filing hanggang April 20.

Facebook Comments