Barangay Captain aksidenteng nakalabit ang baril sa mall sa Dagupan City, 2 sugatan

Aksidenteng nakalabit ng isang punong barangay ang kaniyang baril sa loob ng isang mall sa lungsod ng Dagupan.
Sa report ng pulisya, nasa ikalawang palapag ng mall ang barangay captain na kinilalang si Melecio Sapiera, 45 anyos , ng Brgy. Banaoang Calasiao Pangasinan upang kumain sa isang restaurant.
Nang kukuha sana ng perang pambayad si Sapiera aksidente nitong nakalabit ang caliber 40 pistol.
Sugatan ang mag-asawa na kinilalang si Joel Requioma at Janet Requioma sa kanilang paa na agad na naitakbo sa pagamutan. Kumpleto naman umano ang papeles ng baril ni Sapiera at mayroong licensed to own firearms at permit to carry outside residence.
Haharap sa kasong illegal discharge of firearams si Sapiera na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Dagupan. ###

Facebook Comments