Barangay Captain ng Marang, Basilan na umano’y may koneksyon kay Abu Sayyaf sub-leader Furuji Indama, naaresto ng PNP-AKG

2832

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang Barangay Captain ng Brgy. Marang, Basilan na si Jamiron Ajijon sa Marang, Sumipsip, Basilan kahapon.

Ayon kay PNP-AKG Director Brig. Gen. Jonnel Estomo, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder dahil sa pagpatay umano sa isang mayamang negosyante na si Roberto Musablim sa Brgy. Manaul, Sumisip, Basilan noong September 6, 2004.


Bukod sa brgy. captain, naaresto rin ang isang Bassel Ajijon Eting, miyembro ng Brgy. Peacekeeping Action Team matapos makuhaan ng isang A1 M16 rifle, mga bala at isang caliber 45 armscor.

Sa pag-iimbestiga, natukoy rin ng PNP na ang naaresto ay may direktang koneksyon kay Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader Furuji Indama at siya rin ay lider ng city hunter group at gun for hire group sa Basilan.

Facebook Comments