Barangay Chairman at tatlong iba pa, patay sa pananambang sa Basilan

Nasawi ang isang Barangay Chairman at tatlong iba pa matapos na tambangan nang hindi pa nakikilang armadong grupo sa bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan.

Sa ulat ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) Spokesperson Lieutenant Colonel Alaric Avelino Delos Santos, ang Barangay Chairman ay kinilalang si Bin Saudi Sarakil na residente ng Matata, Ungkaya Pukan, Basilan.

Batay sa pag-iimbestiga galing sa Lamitan City at sakay ng kulay pulang Honda Civic car ang Barangay Chairman at tatlo pa nitong kasama at pagsapit sa Sitio Bacud, Barangay Banah, Tipo-Tipo ay dito na sila hinarang at pinagbabaril ng armadong grupo kamakalawa ng hapon.


Agad namang nakaresponde ang tropa ng 18th Infantry Battalion na ngayon ay nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa mga suspek sa pananambang.

Ayon naman kay Joint Task Force Basilan Commander Colonel Domingo Gobway ang mga biktima ay nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte nang kanilang katawan na agad nilang ikinamatay.

Nagpapatuloy rin ang imbestigayson ng pulisya Lamitan sa insidente.

Facebook Comments