Barangay Chairman at Treasurer, Nakaligtas sa Ambush!

*Luna, Isabela- *Nakaligtas sa kamatayan ang isang barangay Kapitan at Treasurer nito matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa matukoy na mga suspek ganap na alas tres ng hapon, Hunyo 11, 2019 sa kahabaan ng Brgy. San Isidro, Luna, Isabela.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Marlon Manuel, 39 anyos, may-asawa, incumbent Brgy. Captain ng Binarsang, Reina Mercedes, Isabela at Darwin Caronan, 36 anyos, Brgy. Treasurer ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na impormasyon na nakuha ng iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang binabaybay ng mga biktima ang nasabing lansangan lulan ang isang Hyundai Starex na may plakang RGK609 na minamaneho ng Kapitan nang biglang lumabas mula sa talahiban ang dalawang suspek at pinagbabaril ng maraming beses ang sasakyan ng mga biktima.


Agad na pinaharurot ng Kapitan ang minamanehong sasakyan at maswerte namang hindi nagtamo ng anumang tama ng baril ang dalawang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation at imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments