Barangay Ginebra headcoach, nagpa-alala sa kaniyang mga players hinggil sa magiging laban mamaya kontra NLEX Road Warriors

18

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ngayon ni Barangay Ginebra Headcoach Tim Cone ang kaniyang mga players sa magiging laban nila mamaya kontra NLEX Road Warriors sa PBA Commissioners Cup.

Ayon kay Cone, sisikapin nilang manalo upang hindi makatikim ng upset dahil siguradong pipilitin ng NLEX na manalo mamaya sa laro na mapapanood sa Cuneta Astrodome.

Dagdag pa ni Cone, ang team ng NLEX ang kaniyang kinakatakutan kahit na wala pa silang panalo dahil siguradong maghahanap daw ito ng mabibiktima para masungkit ang unang panalo.

Ayaw din ni Cone na magkumpiyansa lalo na at ang coach nito ay si Yeng Guiao na magaling sa diskarte sa paggawa ng play.

Nation

Facebook Comments