Barangay Ginebra, nakumpleto na ang Roster sa pagpasok ni Japeth Aguilar sa Clark Bubble

60
Photo Courtesy: Brgy. Ginebra | Facebook

Nakumpleto na ang roster ng Barangay Ginebra makaraang makapasok na sa loob ng Clark Bubble ang isa sa mga star player nila na si Japeth Aguilar.

Si Aguilar ang huling player ng Gin Kings na nakarating sa Clark Bubble dahil sa katatapos lang niyang sumailalim sa rehabilitasyon dahil sa dating injury nito na hindi naman na isinapubliko ng Ginebra.

Kasalukuyang naka-quarantine si Aguilar sa kaniyang kwarto sa guest hotel at dumaan na rin sa swab test.

Hihintayin na lang ng Ginebra ang resulta ng swab test ni Aguilar bago ito makasama sa praktis kung saan handa na rin siya sa magiging laro sa opening day ng PBA Philippine Cup Clark Bubble kontra NLEX Road Warriors na gaganapin naman sa Angeles University Foundation Gym.

Facebook Comments