Barangay Ginebra, pasok na sa semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup; Meralco Bolts, naipwersa ang sudden death match kontra San Miguel Beermen

53
Photo Courtesy: Tiebreaker Times

Pasok na sa semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup ang Barangay Ginebra matapos talunin ang Rain or Shine Elasto Painters.

Nanalo ang Gin Kings sa score na 83-71.


Bumida sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na may 23 points at 11 rebounds.

Samantala, nagawa naman ng Meralco Bolts na maipwersa sa sudden death game ang quarterfinals series kontra San Miguel Beermen.

Tinalo ng Bolts ang San Miguel sa score na 78-71 kung saan nanguna sa panalo si Aaron Black na may 14 points.

Facebook Comments