Barangay Ginebra, pasok na sa unang puwesto ng 2020 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang Terrafirma

67

Pasok na sa unang puwesto ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang Terrafirma sa score na 102-80 panalo na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo na nakapagtala ng 21 points habang mayroong 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson.


Dahil sa panalo, tinapos na ng Ginebra ang kampanya nito sa elimination na mayroong walong panalo at tatlong talo habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at siyam na talo.

Kuntento naman si Ginebra coach Tim Cone dahil nakabangon na sila sa pagkatalo nila noong nakaraang araw sa San Miguel Beermen.

Facebook Comments