Barangay Ginebra, wagi kontra Rain or Shine sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup

36

PBA – Dinispatsa ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine Elasto Painters sa dikit na iskor na 89-82 sa Oppo PBA Governors’ Cup na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Arena kagabi.

Pinangunahan ng import na si Justin Brownlee ang panalo ng Ginebra sa 28 points at 10 boards nito kaya naman hawak na ngayon ng Barangay Ginebra ang no.1 spot.

Maalalang noong nakaraang linggo ay tinuldukan ng San Miguel Beermen ang seven-game winning run ng Barangay Ginebra.

Kumamada naman si LA Tenorio ng 16 points at apat na assists habang si Scottie Thompson ay naka-12 points, siyam na rebounds at limang assists para sa Gin Kings.

Facebook Comments