Ipinamahagi ng Department of Health Ilocos Region ang nasa dalawamput limang set ng Barangay Health Station (BHS) packages sa mga Rural Health Unit (RHU) sa Urdaneta City.
Ilan sa mga nakatanggap ng mga kagamitan na ito ay ang barangay Bayaoas, Boalaoen, Cabaruan, Cmantiles, Casantaan, Consolacion, Labit West, Mabanogbog, Macalong, Nancalobasaan, Nancamarilan East, Nancamarilan West, Oltama, Palina West, Pinmaludpud, Pr. Orata, San Jose, Sam Vicente, Sta. Lucia, Sto. Domingo, Sugcong, Tipuso, Tulong, Anonas at Bactad East.
Ang mga naturang BHS packages ay makatutulong para sa pagpapaigting pa ng serbisyong medikal at pangkalusugan ng mga RHU.
Ilan sa mga mahahalagang kagamitan na itinurn over ng kagawaran ay mga dressing cart, minor surgical set, mechanical bed, spine board, EENT diagnostic set, mga uri ng weighing scale at marami pang iba.
Ayon kay DOH Region 1, Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, sinisikap ng kagawaran na mapunan pa umano ang iba pang pangangailangang medikal at pangkalusugan tulas ng mga pasilidad na abot-kamay ng mga nasa komunidad.
Samantala, ang mga BHS packages na naipamahagi ay pinondohan sa ilalim ng 2024 Health Facility Enhancement Program (HFEP). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨