Barangay kagawad, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa QC

75

Manila, Philippines – Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si kagawad Jerson Dazo, 51, ng Republic Avenue sa Barangay West Fairview, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Elmer Balleras ng Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-5:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa paradahan ng tricycle sa West Fairview.

Nakatayo ang biktima sa minamanehong tricycle sa paradahan sa nasabing lugar nang sumulpot ang dalawang naka-bonnet na tandem saka pinagbabaril ang biktima.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawang sakay ng motorsiklo patungo sa Console Street sa West Fairview.
Nation”

Facebook Comments