Barangay kagawad sa Sorsogon, arestado sa drug operation ng PDEA

Sorsogon, Philippines – Arestado ang isang barangay kagawad sa isinasagawang operation ng ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Emmanuel Ebio, barangay kagawad at residente sa Sitio Canda, Barangay Poblacion, Bacon District, Sorsogon City.

Ayon kay Director Emerson Margate ng PDEA regional office 5, kinasa ang operasyon, dakong alas 5 ng madaling araw, bitbit ang search warrant.


Natagpuan sa bahay ng kagawad ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 150k at mga gamit sa pagbatak ng iligal na droga.

Dahil ditto, Sec. 5 at 11 ng RA 9165 ang haharapin ng suspek at gagamiting matibay na ebedensya sa kaso ang mga droga na nakuha sa bahay ni Kagawad Ebio.
DZXL558

Facebook Comments