Barangay Kapitan, Pinaghahanap ng Pulisya dahil sa Pag-iingat ng Pinutol na Kahoy

Cauayan City, Isabela-Nakumpiska sa kapitan ng barangay ang nakaimbak na iligal na pinutol na kahoy sa isang lumang bahay na kinatitirikan ng kanyang lupa sa Brgy. San Pablo, San Mariano, Isabela.

 

Kinilala ang suspek na si Nestor Lorenzo, may-asawa, isang negosyante at residente rin sa nasabing lugar.

 

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakipag-ugnayan ang CENRO Naguilian sa pulisya para sila’y samahan sa lugar hanggang sa tumambad ang humigit kumulang 4,000 board feet na iligal na pinutol na kahoy sa isang lumang bahay.


 

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines ang kapitan na pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Facebook Comments