Barangay na Idineklarang Drug-Cleared sa Region 2, Nadagdagan; 152 Drug-Affected Barangays, Binabantayan

17
Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang mga barangay na idineklarang drug-cleared ng mga miyembro ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) mula sa mga probinsya ng Cagayan at Isabela noong June 10, 2022.

Sa inilabas na datos ng PDEA, umabot sa dalawampu (20) ang mga barangay na drug-cleared sa isinagawang Deliberation, Declaration and Awarding of Drug-Cleared Barangays.

Kabilang ang ilang barangay mula sa mga bayan ng Amulung at Iguig sa Cagayan habang sa Isabela naman ay ang ilang piling barangay sa mga bayan ng Echague, Jones, Santiago City, San Mateo, Cordon, Ramon at Gamu.

Sa 20 bagong idineklarang drug-cleared barangays, 152 Drug-Affected Barangays (DABs) pa lamang ang hindi pa nalilinis sa rehiyon.

Facebook Comments