Barangay Pob. 9 sa Cotabato City, dinalaw na naman ng baha!

28

Nakakaranas na naman ng pagbaha ang mga residente ng Barangay Pob. 9 o mas kilala sa tawag na Barangay Biniruan, Cotabato city bunsod ng mga pag-ulan.
Ayon kay Barangay Chairman Jonas Mohammad, noong Sabado nang magsimulang tumaas ang libel ng tubig sa kanilang lugar.
Inabot ng baha ang eskwelahan sa kanilang lugar ayon pa sa kapitan del Barrio kung saan apektado ang humigit kumulang 800 mag-aaral.
Hanggang sa main road ng barangay ang baha kaya pati ang kanilang Barangay hall ay hindi rin nakaligtas.
Sa kabila nito, wala pa namang nagsilikas na mga residente.
Sinabi pa ni Chairman Mohammad, nakasanayan na ng mga residente ang baha dahil isa ito sa mga bahaing barangay sa syudad dahil malapit ito sa ilog.

Facebook Comments