Barangay Secretary, patay matapos pagbabarilin sa Pasay City

Manila, Philippines – Patay na ng idating sa Pasay City General Hospital ang Barangay Secretary matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa 16th de Agosto St., Brgy. 124, Zone 12, Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Jackielyn Antonio, 28 anyos Barangay Secretary ng Brgy. 124, Zone 12, Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya habang nakatayo sa lugar ang bitima bigla nalamang sumulpot sa kanyang harapan ang isang motorsiklo na walang plaka lulan ng 2 hindi kilalang mga suspek at walang kaabog abog pinagbabaril ang biktima bago tumakas ng hindi pa malamang direksyon.


Agad na dinala sa Pasay City General Hospital ang biktima pero sa kasawiang palad ay binawian din ng buhay.

Inaalam na ng mga otoridad kung mayroong CCTV camera sa lugar upang makilala kung sino ang naturang mga salarin.

Facebook Comments