Barangay watchmen, hinikayat ng PNP na tumulong sa pagbabantay sa mga residenteng lalabas ng kanilang bahay

39

Hinikayat ng Philippine National Police ang mga Baranggay Watchmen na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga residenteng lumalabas sa kanilang bahay sa gitna ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lt. General Guillermo Eleazar, kailangan nila ng tulong ng mga barangay tanod sa bawat barangay para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Sa pamamagitan nito, mas mababantayan ng maigi ang lahat ng residente dahil kabisado na ng mga baranggay tanod ang pasikot-sikot sa kanilang barangay.

 

Facebook Comments