Barbie Imperial, itinangging may alitan kay Kathryn at Daniel

Itinanggi ng aktres na si Barbie Imperial na may alitan sila ng Kathniel dahil sa issue sa pagitan ng kanyang rumored boyfriend na si Paul Salas at Daniel Padilla.
Matatandaang nagkaroon ng issue sa pagitan ni Paul at Daniel dahil sa kumalat na facebook comments ni Paul at mga kaibigan nito sa isang video kung saan makikitang na foul ni Jc de Vera si Daniel sa Star Magic All Star basketball game.
Ayon kay Barbie hindi raw ito ang dahilan ng kanyang pagkawala sa La Luna Sangre na pinagbibidahan ng Kathniel at maayos naman ang kanyang relasyon sa mga ito.
Sa ngayon ay may bagong teleserye na pinagbibidahan ang aktres kasama ang aktor na si JM De Guzman.

Facebook Comments