Baril na nakita sa isang sundalong namatay sa shooting incident sa Jolo, Sulu, posibleng itinanim lang ayon sa NBI

Pinaniniwalaang itinanim ang ebidensyang rifle na makikitang nasa gilid ng isang sundalong nasawi sa nangyaring shooting incident sa Jolo, Sulu.

Ito ang inihayag sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isa sa mga nakasaksi sa insidente.

Ayon sa panibagong CCTV footage, makikitang hawak ng pangatlo sa mga pulis na nabaril ang isang rifle.


Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng NBI ang nasabing CCTV footage para malaman kung umaayon ang pahayag ng nasabing witness sa pangyayari.

Isasailalim naman ng NBI ang mga pulis na sangkot maging ang mga saksi polygraph o lie detector test upang maging tiyak sa imbestigasyon.

Facebook Comments