BARIL, SHABU AT PAMPASABOG, KUMPISKADO SA BAHAY NG ISANG LALAKI SA BUGALLON

Patong – patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang lalaki matapos makakuha ng baril, bala, shabu at pampasabog sa bahay nito sa bayan ng Bugallon.
Ito ay matapos isilbi ang tatlong magkaibang Search Warrant sa tahanan ng suspek na nakilalang si Jake Zacarias ng Brgy. Cayanga sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Search Warrant sa tahanan nito pasado alas kwatro ng madaling araw na nagresulta ng pagkakakumpiska ng mga sumusunod; isang Granada, isang Caliber 38 Revolver at apat na bala nito kasama din ang anim na bala ng Caliber 45, At limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng 102k.

Sinasabing tumakas ang suspek matapos matiktikan ang padating ng presensiya ng mga Pulis at patuloy na pinaghahanap hanggang ngayon. |ifmnews
Facebook Comments