“Barkada Budget,” itinanggi ni Speaker Cayetano

36

Mariing pinabulaaanan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang alegasyon ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na pinaboran ang “barkada” ni Cayetano sa panukalang ₱4.506 trillion national budget para sa 2021.

Sa kanyang talumpati sa plenary session, sinabi ni Cayetano na mayroong dalawang mambabatas na kabilang sa top 10 districts na may mataas na infrastructure fund allocation, na hindi niya ‘barkada.’

Ito ay sina Bukidnon 3rd district Representative Manuel Zubiri at Albaya 1st district Representative Edcel Lagman.

“Pinatignan ko po yung top 10 (districts). Seven out of the top 10 kaibigan ko, pero hindi ko barkada (I had the top 10 districts checked. Seven out of the top 10 were my friends, but not part of my clique). Some you will not say I’m even close (to),” sabi ni Cayetano.

Dagdag pa ni Cayetano, si Rep. Zubiri, kapatid ni Senator Juan Miguel Zubiri, na isang majority member, ay pasok din sa top list.

“I really like Congressman Zubiri. To be honest, huwag magagalit si Migz, I like him better than Migz. Because he is quieter, but he works hard, he’s always here, kahit hindi niya committee inaattendan niya. So I think he deserves the budget,” punto ni Cayetano.

Samantala, binigyan naman ni Cayetano ng matinding paglalarawan ang working relationship nito kay Congressman Lagman.




“Kayo ang witness di ba? Sa siyam na sinabi ni Congressman Lagman tungkol sa akin, sampu ay pagtuligsa. And that’s his call…I still consider him a friend. He doesn’t agree with me on the issues, so be it. Hindi naman nagalaw yung budget niya,” sabi ni Cayetano.

Sa ngayon, ang House Bill No. 7727 o National Expenditure Program para sa 2021 ay lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara.

Facebook Comments