Barko ng PCG, magdadala ng mga supplies sa Bicol Region

73

Bukod sa relief supplies, may mga karga ring yero ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na patungong Bicol Region.

Kapwa tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross (PRC) sa pagkarga ng 500 na piraso ng corrugated galvanized iron sheets o yero na gagamitin sa pagsasa-ayos sa mga bahay na nawalan ng bubong dahil sa Bagyong Rolly.


Kabilang naman sa relief supplies na karga ng BRP Gabriela Silang ang libo-libong kahon ng food pack, purified drinking water, daan-daang galon ng mineral water, libo-libong kahon ng kitchen kit, hygiene kit, sleeping kit at mosquito net.

Naghanda rin ang PCG at PCG Auxiliary ng karagdagang relief supplies tulad ng food pack, sako-sakong bigas, at de-lata.

Facebook Comments