Barko ng PCG na naghatid ng stranded na mga pasahero sa Metro Manila, dumating na sa Davao City

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na ligtas na nakarating ng Sasa Wharf, Davao City ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) sakay ang pitungpu’t siyam (79) na Locally Stranded Individuals (LSI) mula Maynila.

Sila ay sinalubong ng PCG personnel na nagsagawa ng document inspection at medical screening bago sila tuluyang ibiyahe sa kani-kanilang Local Government Unit (LGU).

Kahapon, 69 din na LSIs ang inihatid ng BRP Gabriela Silang sa Makar Wharf, General Santos City mula sa Maynila.


Facebook Comments