Barkong pandigma ng China, namataan sa Panata Island

Namataan ng Philippine Navy ang isang Chinese warship malapit sa Panata Island sa West Philippine Sea nitong Biyernes ng umaga, June 6, 2025.

Ayon sa ulat, ang Ma’anshan Jiangkai II-class frigate ng People’s Liberation Army (PLA) Navy na may bow number 525 ay nakita sa karagatan sa paligid ng Panata Island habang nagsasagawa ng maritime patrol ang Philippine Navy.

Tinayang nasa 4.6 nautical miles lamang ang layo ng barko ng China mula sa BRP Andres Bonifacio (PS17) kaninang 7:40 ng umaga.

Sinabi naman ni AFP PAO Chief Col. Xerxes Trinidad, tatlong beses nagbigay ng radio challenge ang Philippine Navy sa Chinese vessel.

Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng AFP ang naturang barkong pandigma ng China habang isinasagawa ang maritime patrol sa Kalayaan Island Group (KIG).

Facebook Comments