Baron Geisler, emosyonal na ibinahagi ang mga panahong kasama niya pa ang kaniyang ina

Naging emosyonal ang aktor na si Baron Geisler matapos alalahanin ang kaniyang nakaraan na kasama niya pa ang kaniyang ina.

Sa latest vlog interview ni Toni Gonzaga kay Baron, sinabi ng aktor na napakaraming pagkakamali ang nagawa niya noon na labis na niyang pinagsisihan.

Nakakalungkot din aniya na pumanaw na ang kaniyang ina nang hindi man lang nakita ang kaniyang transformation para maging isang better person.


Sa ngayon, nananatili na si Baron sa Cebu City kasama ang kaniyang asawang Jamie Evangelista at ang kanilang one-year-old daughter na si baby Tali.

Facebook Comments