Baron Geisler, naglabas ng sama ng loob sa URCC

291

Showbiz – Disyamado ang aktor na si Baron Geisler sa mga nasa likod ng Universal Reality Combat Championship (URCC).

Ito’y matapos na akusahan ang URCC sa dinaluhan niya na inakalang isang press conference.

Ayon kay Baron – unang sinabi sa kaniya ng URCC na magsasagawa sila ng press conference para sa nalalapit na rematch kay Kiko Matos.


Pero pagdating aniya niya sa lugar ay isang forum pala ng mga Philippine Sportswriters Associations (PSA).

Iginiit ni Baron na pinagloloko siya ng URCC.

Paglilinaw naman ng URCC founder na hindi sila magsasagawa ng rematch kina Geisler at Matos.



Facebook Comments