Baron Geisler, umaasang matatanggap muli ng publiko sa kaniyang pagbabalik showbiz

101

Umaasa ang aktor na si Baron Geisler na matatanggap pa siya ng publiko sa kaniyang muling pagbabalik sa showbiz.

Ito ay matapos sumailalim sa rehab ng ilang buwan para tuluyan nang gumaling sa kaniyang pagkakalulong sa alcohol.

Say ni Baron, habang nasa rehab ay araw-araw daw niyang ipinagdarasal na sana ay magkaroon muli ng tsansa na maipamalas ang kaniyang galing sa pag-arte dahil naging parte na daw ito ng kaniyang buhay.

Wala daw hinangad pa si Baron kungdi ang makabalik sa showbiz at kahit anong project daw ay hindi nito tatanggihan.

Sa ngayon, busy si Baron sa kaniyang negosyo sa Cebu City at katatapos lang niyang maging parte ng isang movie na ipapalabas sa mga susunod na araw.

Facebook Comments