Barracks ng mga enlisted personnel ng J2 o AFP intelligence sa loob ng Camp Aguinaldo, nasunog

118

Nasunog ang barracks ng mga enlisted personnel ng AFP intelligence o J2 na matatagpuan sa 3rd floor nang isang gusali sa compound ng J2 sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, alas-1:20 ng hapon kahapon nang magsimula ang sunog sa barracks pero pagsapit ng alas-2:00 ng hapon agad naideklarang fire out.

Wala namang nasawi o nasugatang sundalo, wala ring mahahalagang dokumento ang nasunog.

Sa ngayon iniimbestigahan pa ng AFP ang dahilan ng sunog at kung gaano kalaki ang halaga ng na-damage ng sunog.

Facebook Comments