Barretto sisters, nagkagulo sa burol ng kanilang ama

3955

Nauwi raw sa gulo ang paghaharap ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto sa mismong burol ng kanilang amang si Miguel Barretto noong Miyerkules ng gabi.

Una rito ay napabalita ang tila pagbabati ni Gretchen at kanyang ina na nagkaroon ng matagal na alitan.


Ayon sa mga kwento, agad daw na nag-react si Marjorie nang sinabi ni Claudine na darating ang kapatid nilang si Gretchen.

Nagwala pa raw ito sa kanilang family room lalo na nang nagyakapan ang mag-inang Gretchen at mommy Inday.

Dahil dito, kinompronta umano ni Claudine si Marjorie dahil sa naging asal nito hanggang sa nauwi sa gulo at mismong mga PSG na ni Pangulong Duterte ang umawat sa mga ito.

Sinubukan din daw na pagbatiin ng Pangulo ang Barretto sisters pero bigo ito.

Samantala, naka-confine ngayon sa St. Luke’s Hospital sa BGC, Taguig si Claudine matapos magtamo ng galos sa kamay at nahilo.

Facebook Comments

From Advertisers