Basag-kotse gang, arestado sa U.P. Campus

43

Kulong ang isang miyembro ng basag-kotse matapos madakip ng security personnel ng University of the Philippines (UP) Diliman campus.

Kinilala ang suspek na si Roel Calso ng Barangay Pansol, Quezon City.


Sa ulat, nag-jogging ang biktimang si Algerich Chua kasama ang kanyang asawa at ipinarada ang kanilang sasakyan na kulay green na may plate number na PUQ-930 sa kahabaan ng Agoncillo Street.

Nakuha ng suspek ang P12,000.00 ng pera, iPhone 8, driver’s license, stethoscope, credit cards, ATM cards, gift certificate, gate remote, mga susi, eye glasses at make-up kit sa sasakyan ng mga biktima.

Isang sekyu naman ang nakakita sa ginawang pagnanakaw ng suspek kaya mabilis itong rumesponde at inaresto ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers