Basehan ng demand ng GAB sa WBO kaugnay ng Pacquiao-Horn fight, inisa-isa

Manila, Philippines – Inisa-isa ni Games and Amusement Board Commissioner Matthew “Fritz” Gaston ang mga naging basehan nila sa paghahain ng demand sa World Boxing Organization para i-review ang video ng naging laban nina Senator Manny Pacquiao at Jeff Horn.

Tinukoy ni Gaston ang mga naging pahayag ng boxing analysts mula sa ibat ibang bansa na nagkaroon nga ng dayaan sa Pacquaio-Horn fight

Bukod pa aniya dito ang analysis ng netizens at ng iba pang magagaling na Filipino boxers.


Dumistansya naman si Gaston sa anggulong minanipula ni Boxing Promoter Bob Arum ang naturang laban.

Facebook Comments