Bata na hinihinalang positibo sa Corona Virus, under investigation ngayon ng DOH sa Cebu

184

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na may isang person under investigation na sila ng hinihinalang tinamaan ng 2019 novel corona virus.

Ito ay isang limamg taong gulang na Chinese na bata na bumiyahe mula sa Wuhan, China at na-admit sa pagamutan sa Cebu city matapos makitaan ng lagnat, throat irritation at ubo bago pumasok sa bansa.


Nagtungo raw sa Cebu ang bata para mag-aral ng English.

Dumating ito noong Enero 12, dakong alas tres ng hapon at agad naconfine sa ospital pagsapit ng alas-sais ng gabi.

Agad namang sinuri ng RITM ang sample mula sa pasyente pero negatibo siya sa MersCov o SARS.

Pero nagpositibo ito sa non-specific pancorona virus kaya pinadala na rin sa laboratoryo sa Australia ang sample ng pasyente para matukoy ang coronavirus strain nito.

May minomonitor rin ang DOH na tatlong indibidwal na nakitaan ng flu-like-symptom nang dumating sa Kalibo International Airport mula sa China.

Pero wala itong history ng byahe sa Wuhan.

Facebook Comments