Bataan PPO, tiniyak na maayos ang peace and order situation ng lalawigan ng Bataan

309

Bataan, Philippines – Mariing tiniyak ng Bataan Police Provincial Office na maayos ang peace and order situation ng probinsya ng Bataan.

Ayon kay Police Senior Inspector Jennifer Cruz, information chief ng Bataan PPO, sa Facebook page ng panlalawigang kapulisan, ay sinabi nito na walang banta ng anumang pag-atake ng terorista o makakaliwang grupo.

Nanawagan din ang opisyal na huwag agad maniniwala sa fake news na kumakalat o naka posts sa social media.


Ayon pa kay Cruz bukas ang kanilang tanggapan sa camp tolentino at ang lahat ng city/municipal police stations para sa anumang mga katanungan.

Ayun kay Cruz, ang Bataan PPO ay sinisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ng probinsya.

Sa utos naman ni Bataan PPO Provincial Director, Senior Supt. Benjie Silo Jr, karagdagang police visibility ang kanilang ipinatutupad sa mga mahahalagang establishments gaya ng malls, transport terminals at iba pang major installations sa buong lalawigan.



Facebook Comments