Batanes, may community transmission na ng COVID-19

26

Kinumpirma ng Batanes Government ang kauna-unahang community transmission ng COVID-19 sa lalawigan.

Batay sa facebook page ng lalawigan, tatlong pasyente ang naka-isolate na sa Batanes General Hospital habang ang isa ay sumasailalim sa quarantine sa Department of Agriculture–Batanes Experiment Station.

Patuloy naman ang malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo lalo’t walang travel history ang mga ito sa ibang bansa.


Ang Batanes ay dating idineklarang COVID-19 free pero as of September 16 ay nasa 20 na ang kumpirmadong kaso, 4 ang aktibong kaso, 17 ang recoveries at walang nasawi.

Facebook Comments