Batang may pinakamabahong sapatos, pinarangalan sa Amerika

Manila, Philippines – Isang batang lalaki mula sa Alaska ang pinangarangalang “Smelliest Sole” sa odor-eaters 42nd national rotten sneaker contest sa New York.
 
Si Conor Slocombe ay nakatanggap ng gintong sneaker trophy sa taunang kompetisyon ng may pinakamabahong sapatos sa ripley’s believe it or not.
 
Nakatanggap din ito ng 2,500 dollars (P1.2 million), dalawang araw na pamamalagi sa New York para makapunta sa isang broadway show at suplay ng odor-eaters na mga produkto para mapanatili ang kalidad ng kanyang mga sneakers.
 
Pinili sa nasabing kumpetisyon ang mga sapatos base sa kanilang amoy, kondisyon at sa deskripsyon ng mga kalahok kung bakit ang sneakers nila ang pinakamabaho.


Facebook Comments