Batang Pinoy National Finals Gaganapin sa Baguio!

25

Baguio, Philippines – Napagkasunduan ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission at ng Local Government Unit ng Baguio City na ilipat ang opening ceremony at schedule ng mga laro para sa darating na 2018 Batang Pinoy National Championship na gaganapin sa Baguio City.

Mula sa September 16 ay ililipat ito sa September 17 dahil hihintayin munang makalabas ng bansa ang Bagyong Ompong bago simulan ang palaro.

Nauna nang sinuspinde ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang klase mula pre-school hanggang highschool, public at private mula September 17 hanggang September 21 upang bigyang daan ang 2018 Batang Pinoy National Finals.

Inaasahan namang aabot sa pitong libong atleta at sports official mula sa iba’t ibang rehiyon ang darating sa Baguio City para lumahok sa palaro.

Idol suportahan natin sila!

Facebook Comments